2 uri ng pampasabog iniwan sa footbridge sa Maynila

Manila, Philippines – Nadiskubre ng 7 taong gulang na bata ang mga pampasabog na iniwan sa footbridge sa Road 10 Tondo Maynila.

Nakalagay ito sa kulay pulang bagpack na naglalaman ng isang granada, isang riffle grenade at 2 bala.

Ayon sa MPD Station 1, alas nueve kagabi ng mapulot ng bata ang nabanggit na bag at agad dinala sa mga pulis na nagsasagawa ng Comelec checkpoint sa lugar.


Sa inisyal na imbestigasyon, isang lalaki na nakasakay sa tricycle ang nag-iwan sa nasabing pampasabog.

Pagpunta ng EOD o Explosive Ordinance Division ng MPD sa lugar, agad sinara ang kalsada.

Nagdesisyon ang mga otoridad na pasabugin na lang ito sa kalsada dahil baka matanggal pa ang pin kapag ibiniyahe o kapag inalis sa bag.

Facebook Comments