2 years and 4 months old na baby gril, patay matapos malunod sa baldeng nay tubig

13

Batan, Aklan – Patay ang isang 2 years and 4 months old na baby girl matapos na malunod sa baldeng may tubig kaninang umaga sa Brgy. Camanci, Batan, Aklan. Sa nakuhang impormasyon nga RMN Kalibo na nangyari ang insidente habang ang nanay nito ay naglilinis ng bahay habang ang tatay naman ay naligo. Pagkatapos nitong maligo ay lumabas ito sa banyo at iniwan nyang bukas na may baldeng may lamang tubig. Hindi nila namalayan na napunta ang bata doon sa banyo at napunta rin sa baldeng may tubig. Nakita na lamang ng tatay ang bata na nakatuwad na sa loob ng balde at gumagalaw galaw pa ng kukunin nya sana ang nakalimutang t-shirt. Agad nilang dinala ang bata sa Rural Health Unit ng Batan pero hindi na ito nailigtas pa.

Facebook Comments