20% discount para sa mga guro, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Naghain si A-Teacher Party list representative Juliet Cortuna ng panukalang magbibigay ng 20% discount sa mga guro sa mga produkto at serbisyo.
 
Ang nasabing panukala ay ang house bill 4279 o ang school teachers’ universal discount and courtesy card act.
 
Ayon kay Cortuna, hindi natatapos sa school hours ang pagtatrabaho ng mga guro dahil sa mga paperworks na kanilang iniuuwi at paghahanda ng mga ito ng teaching aid sa susunod na araw.
 
Dagdag pa nito, ang sakripisyo at commitment ng mga guro sa kanilang mga estudyante ay walang katumbas na halaga.
 
 

Facebook Comments