20 KABAHAYAN SA SITIO PATALAN PANTAL DISTRICT, DAGUPAN CITY, TINUPOK NG APOY

40

Dagupan City, Pangasinan – Dalawampu’t tatlong pamilya ang nawalan ng tahanan matapos tupukin ng apoy ang dalawampung magkakatabing bahay sa Sitio Patalan, Pantal District Dagupan City ayon mismo sa Bureau of Fire Dagupan sa panayam ng iFM Dagupan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog pasado 10:30 ng umaga ngayong araw at tuluyang naapula ganap na 11: 30 ng umaga.


Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Eden Ocenera, kung saan habang nanonood ang mga ito ng tv ay bigla na lamang itong pumutok at dahil gawa sa light materials mabilis na kumalat ang sunog sa katabing bahay.

Inihanda naman ng Barangay ang Pantal Elementary School bilang Evacuation center ng mga apektadong residente.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad ang pinagmulan ng sunog maging ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy.

Facebook Comments