20% na discount sa National Athletes at Coaches, aprubado na!

34

Good news sa mga atleta, inanunsyo ngayon ng Philippines Sports Commission (PSC) na pwede nang pakinabangan ng National Athletes at Coaches ang 20% discount sa mga piling establishment sa bansa.

Ito ay makaraang payagan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapatupad ng Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Acts.


Sa ilalim nito, bibigyan ng 20% discounts ang mga National Athlete sa transportasyon, lodging, food, medicines at sports equipment.

Nitong Miyerkules, inilabas ng BIR ang Revenue Regulation 13-2020 na nagbibigay at nagtatakda ng insentibo sa mga atleta.

Facebook Comments