20 Peso coin, ilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Disyembre

Nakatakdang maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 20 Pisong barya sa susunod na taon.

Ayon sa BSP, mas mura ang magiging gastos sa paggawa ng 20 Peso coin kaysa sa 20 Peso bills.

Titiyakin din ng BSP na madaling matukoy ang itsura ng mga bagong 20 Peso coin kumpara sa ibang mga barya na nasa sirkulasyon na.


Ilalabas ang final design ng 20-peso coin sa Disyembre.

Maglalabas din ng bagong bersyon ng 5 Peso coin ang BSP bunsod ng reklamong nakakalito ang disenyo nito na halos kaparehas lang ng disenyo ng 1-peso coin.

Facebook Comments