20 piraso ng 18-karat gold bracelet, ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa isang jewelry shop sa Baguio City

246

Manila, Philippines – Ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang 20 piraso ng 18-karat gold bracelet na nagkakahalaga ng P300,000 sa isang jewelry shop sa ground floor ng Baguio Center mall sa Magsaysay Avenue, Baguio City.

Ayon sa salaysay ng complainant at sales clerk na si Princess Marron Fernandez, sunod-sunod na pumasok ang mga suspek at naghanap ang mga ito ng alahas.


Pagkaraan lamang ng ilang minuto ay nalaman na lamang niyang nawawala ang isang tray na naglalaman ng mga gintong alahas.

Sa CCTV footage naman ay nakita ang limang hindi pa nakikilalang suspek kabilang ang dalawang babae at tatlong lalaki.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagtukoy sa mga suspek.

 

Facebook Comments