
Pumalo sa 200 indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting na kampanya kontra anti-criminality and anti-illegal drug campaign sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.
Ayon kay QCPD Acting District Director PCol. Melecio Buslig Jr. mula January 26 hanggang February 1, 2025 ay umabot sa 200 indibidwal na mayroong iba’t ibang kaso ang nasakote ng QCPD sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Ibinida ni Buslig na nakaaresto sila ng 55 wanted persons, habang 77 illegal gamblers, 63 drug suspects, at limang indibidwal ang nakumpiskahan ng mga baril sa pinaigting na kampanya kontra kriminalidad.
Sa kampanya kontra sa iligal na droga kabuoang 41 operations ang kanilang isinagawa, 63 drug suspects ang kanilang naaresto kung saan mahigit isang milyong piso halaga ng iligal na droga ang nakumpiska.
Samantala, kabilang sa mga wanted persons na nadakip ng mga operatiba ng QCPD ang mayroong mga kasong paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act na nagtago sa 11 taon, paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagtago ng 6 na taon, may kasong attempted murder, na nagtatago ng 6 na taon, mayroong kasong rape na nagtatago sa alagad ng batas ng 3 taon at marami pang ibang mga kaso.