200 NASALANTANG MAGSASAKA AT MANGINGISDA, SA DAGUPAN CITY, TINULUNGAN

Tinanggap ng nasa 200 na magsasaka at mangingisda sa Dagupan City ang tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tugon sa pinsalang dulot ng mga nagdaang kalamidad.

Bukod sa tulong pinansyal, isinabay rin ang pamamahagi ng Aquaculture Lease Agreement (ALA) at Permit to Operate sa mga lehitimong mangingisda na gumagamit ng kailugan ng Dagupan para sa kanilang kabuhayan.

Hakbang ito na bigyang prayoridad ang mga legal na operator sa mga programang pangkabuhayan ng gobyerno at tuluyang masugpo ang operasyon ng mga illegal fish pens sa lungsod.

Facebook Comments