
CAUAYAN CITY – Nasa 200 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa lalawigan ng Quirino ang napabilang sa iba’t ibang programang pangkabuhayan ng Department of Migrant Workers (DMW) Region 2.
Ilan sa mga programang natanggap ng mga benepisyaryo ay livelihood assistance, Balik Pinay, Balik Hanapbuhay, at maraming pang iba.
Ayon kay DMW Region 2 Regional Director Rogelio Benitez, 400 OFWs ang nag-apply para sa programa subalit tanging ang mga OFW lamang na bumalik sa Pilipinas sa nakalipas na tatlong (3) taon ang nabigyan ng naturang tulong pinansyal.
Dagdag pa nito na ang mga napiling benepisyaryo ay sasailalim sa pagsasanay sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Facebook Comments