Umabot sa 2,000 bakawan ang itinanim sa baybayin ng Infanta, Pangasinan bilang bahagi ng kanilang proyektong pangkalikasan.
Ang proyekto ay inisyatiba ng mga environmental organizations, lokal na lider at mga volunteer mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad na nagtulong-tulong sa pagtatanim.
Layunin nitong mapalawak ang taniman ng bakawan nang maprotektahan ang mga coastal areas at pangalagaan ang mga kabuhayan ng mga mangingisda.
Inaasahan na ang mga itinanim na bakawan ay magbibigay ng pangmatagalang solusyon sa mga isyu ng pagbabago ng klima at kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments