2,000 hanggang 5,000 trabaho, alok ng Slovenia para sa mga Filipino Household Service at skilled workers

77

Aabot sa 2,000 hanggang 5,000 trabaho na may mataas na sahod ang magbubukas sa Slovenia sa Europe.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ngangailangan ang Slovenia ng mga Household Service at Skille Worker gaya ng Engineers at Truck Drivers.


Dapat ding marunong sa pagsasalita ng wikang ingles.

Pero binubuo pa ng dalawang bansa ang Labor Agreement na inaasahang matatapos sa loob ng tatlong buwan.

Nais pa rin muna DOLE na magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas sa Slovenia para matiyak na mapoproteksyunan ang mga ipadadalang manggagawang Pinoy doon.

Pinayuhan naman ng DOLE ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga makikitang alok na trabaho tulad ng mga lumalabas sa Social Media tulad ng Facebook.

Facebook Comments

From Advertisers