2,000 turista, papayagang makapasok sa Boracay kasabay ng pagbubukas nito sa October 1

49

Hanggang 2,000 biyahero ang papayagang makapasok sa Boracay sa harap ng inaabangang pagbubukas nito sa October 1, 2020.

Mas mababa ito kumpara sa 6,000 turista na pinapayagang pumasok sa isla bago nagkaroon ng pandemya.

Samantala, ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, papayagang magbukas ang mga hotel sa 50 percent capacity at maximum na dalawang guest kada kwarto.

Habang nasa 382 bars at restaurant ang binigyan ng akreditasyon para muling makapag-operate.

Facebook Comments