2016 US ELECTIONS | Estados Unidos, nagpataw ng sanctions sa ilang Russians na umano’y nanghimasok sa halalan

26

Amerika – Pinatawan ng sanctions ng Estados Unidos ang 19 na ruso na inakusahang nangialam sa 2016 US elections.

Kabilang dito ang 13 indibidwal na unang kinasuhan ng US justice department. Bukod dito, binigyan din sanctions ang limang grupo ng intelligence service ng Moscow.

Tinuturing ng White House na ang sanctions ay siyang pinakamabigat na hakbang sa panunungkula ni US President Donald Trump.

Facebook Comments