2016 VP Race | Kampo ni dating Senador Bongbong Marcos, nakadiskubre muli ng mga basang balota mula sa hometown ni VP Leni Robredo

Manila, Philippines – Nakadiskubre muli ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ng mga basang balota mula sa hometown ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay kasabay ng manu-manong pagbibilang ng mga boto noong 2016 vice presidential race.

Bukod sa mga basang balota, ang mga ballot box mula sa Camarines Sur ay naglalaman ng damo.


Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, matibay na ebidensya na ito na nagpapatunay na nalabag ang integridad ng mga balota.

Una nang iginiit ni Marcos na biktima siya ng ‘massive electoral fraud’ sa pamamagitan ng pre-shading ng mga balota, pre-loaded na mga Secure Digital (SD) cards at maling pagbasa sa mga balota.

Wala pang pahayag ang kampo ni Robredo hinggil dito.

Facebook Comments