2017 Miss Global Philippines candidates, binisita ang isla ng Boracay

195

Boracay – Binisita ng ilang kandidata ng 2017 Miss Global Philippines ang isla ng Boracay.

Isa sa mga aktibidad na ginawa ng mga kandidata ay namigay ng mga school supplies sa isla partikular sa Lamberto National High School.


Ang pagbisita ng mga kandidata sa eskwelahan ay para sa tinatawag na “Bag Giving Project’’ ni Marlyn Gregorio na sila mismo ang nagbigay sa mga bata.

Samantala, Linggo ng gabi ay nagsagawa rin sila ng talent night sa La Carmela De Boracay.

Ang coronation night ng Miss Global Philippines 2017 ay gaganapin sa Hunyo 24 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Ang mananalo ay siyang magiging representante ng Pilipinas sa Miss Global 2017 kung saan ang magiging host nito ay i-aanunsyo pa sa masunod na mga araw.
DZXL558




Facebook Comments