2018 AFC CUP | Global Cebu FC, pinutol ang three-game winning run ng Yangon United

21

Sports – Isinalpak ni Rufo Sanchez ang penalty kick sa stoppage time para ibigay sa Global Cebu FC ang 2-1 na panalo kontra sa Yangon United FC sa pagpapatuloy ng 2018 Asian Football Confederation (AFC) Cup sa Rizal Memorial Stadium. Ito ang unang panalo ng mga Cebuano sa torneo at nagawa nila ito kontra sa wala pang talong koponan mula sa Myanmar. Unang nakaiskor ang Global Cebu sa 79th minute sa header ni Darryl Roberts mula sa corner kick ni Dominic Del Rosario. Pero bago matapos ang regulation, naitabla ni Muang Muang Lwin ang score. Akala ng lahat ay mauuwi sa tabla ang laro bago nagfoul si Sanchez sa loob ng box para maisalba ang kampanya ng Global sa AFC Cup. Dahil sa panalo may four points na ang Global sa Group G. Nangunguna pa rin ang Yangon sa kanilang nine points.

Facebook Comments