2018 Miss Universe Catriona Gray, excited nang ma-meet ang kaniyang “kakambal”

77

Super excited na si 2018 Miss Universe Catriona Gray na ma-meet ang kaniyang sariling wax figure, na ilalabas sa launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa London.

Share ni Catriona, “coming soon” na ang face off nila ng tinawag niyang twin o kakambal.


Hindi naman sinabi ni Catriona ang eksaktong petsa ng launching dahil gusto niyang i-surprise ang kaniyang mga fans.

Nabatid na una nang ibinunyag ni Catriona na tatlo sa kanyang paboritong miss universe glam moments ang kanyang inirekomenda para sa kanyang wax figure.

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pinakaunang pinay na nabigyan ng wax statue sa Madame Tussauds sa London.

Facebook Comments