2018 WORLD CUP | Sweden, Belgium at England – wagi sa kanilang mga opening game

55

Naging maganda ang pagsisimula ng kampanya ng Sweden, Belgium at England sa 2018 World Cup sa Russia matapos nilang manalo kagabi.

Nakuha ng Sweden ang panalo kontra South Korea, 1-0 sa penalty kick ni Andreas Granqvist sa 65th minute.


Tinambakan naman ng Belgium ang Panama, 3-0.

Umiskor ng dalawang goal si Rommel Lukaku at nagdagdag pa ng isa si Dries Mertens para tambakan ng Belgium ang Panama.

Naungusan naman ng England ang Tunisia, 2-1 dahil sa brace ni Harry Kane.

Muntik nang mauwi sa tabla ang laro pero naisalpak ni Kane ang ikalawa nitong goal sa pamamagitan ng header sa 91st minute.

Facebook Comments