2019 ELECTION | Mga posibleng pambato ng PDP-Laban sa pagka-senador, nadagdagan pa

983

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang mga posibleng pambato ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa pagka-senador sa 2019 election.

Sa mass oath taking ng mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa Bulacan, makikita ang mga tarpaulin ng kanilang mga posibleng pambato sa pagkasenador.

Panay na rin ang pamimigay ng pamaypay at kalendaryo na may mukha ng mga miyembro ng partido.

Present sa programa sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Political Adviser Francis Tolentino at Presidential Anti-Corruption Commissioner Grego Belgica.

Habang si Senate President Koko Pimentel ay siguradong tatakbo para sa re-election.

Nilinaw naman ni Pimentel na mayroon na silang listahan ng mga tatakbo sa pagkasenador pero wala pa silang magic 12.

Facebook Comments