2019 MIDTERM ELECTIONS | Pag-abswelto ng Sandiganbayan kay Revilla, makatutulong sa pagsabak ng dating Senador

231

Manila, Philippines – Makakatulong para sa kandidatura ni dating Senador Bong Revilla sa 2019 midterm elections ang pagkaka-abswelto sa kanya ng Sandiganbayan.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Ramon Esguerra – bukod sa pagiging popular sa masa, pasok din si Revilla sa magic 12 ng isang survey.

Bago pa man naghain ng kandidatura, isa rin ang pangalan ni Revilla sa mga lumabas sa survey ng Pulse Asia noong Setyembre.

Aniya, umaasa silang babalik ang tiwala ng taumbayan kay Revilla at mas lalakas ang hatak nito lalo ngayong nahatulan siya ng not guilty sa kasong plunder kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam.

Pero bago ang muling pagsabak sa pulitika, nais daw muna ng dating Senador na maglaan ng maraming oras sa kanyang pamilya na itinuturing na magandang regalo ngayong pasko ang pagkaka-abswelto sa kanya.

Facebook Comments