2019 MIDTERM ELECTIONS | Presidential Spokesman Harry Roque, inendorso na ng Pangulo sa pagkasenador

107

Manila, Philippines – Pormal na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Spokesman Harry Roque na tumakbo bilang senador sa 2019 midterm elections.

Ito ay matapos mapag-usapan sa cabinet meeting sa Malacañan nitong Pebrero a-singko.

Hinimok ng Pangulo ang publiko na iboto si Roque.

Sinabi naman ni Roque na ipauubaya na niya ang kanyang kapalaran sa Diyos at nakatuon na lamang muna siya sa ngayon bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Itinanggi rin ni Roque na ginagamit niya ang kanyang opisina para mangampanya sa darating na eleksyon.

Facebook Comments