2019 MIDTERM ELECTIONS | PRRD, pinayuhan ang mga OFW sa Israel

300

Israel – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel na piliin ang mga pinakamahusay na ibobotong mga senador sa may 2019 midterm elections.

Sinabi ito ng Pangulo sa harap ng Filipino community sa Israel kung saan kasama niya ang ilang posibleng maging kandidato ng kaniyang partidong PDP-Laban.

Kabilang na rito sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino at Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasabay nito, tiniyak ni Duterte na magiging malinis at maayos ang 2019 elections.

Facebook Comments