2019 MIDTERM ELECTIONS | Voting hours, pinalawig ng COMELEC

73

Manila, Philippines – Pinalawig ng Commission on Elections (COMELEC) ang oras ng pagboto sa gaganaping 2019 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – dadagdagan ng isang oras ang botohan kaya mula alas 6:00 ng umaga, tatagal ang botohan hanggang alas-6:00 ng hapon.

Ito ay dahil na rin sa inaasahang pagpalo ng voting population sa 61 milyon kumpara sa 58 milyon noong 2016.

Gayunman, hindi daragdagan ang bilang ng Vote Counting Machines (VCMS) at asahan na aniya ang ilang mahabang pila.

Kaya ng bawat VCM na makapag-accommodate ng hanggang sa 1,000 botante.

Samantala, kahit hanggang alas-6:00 lang ng hapon, papayagan pa ring makaboto ang mga botante na nasa 30 meter-radius ng polling centers kahit lumampas na sa oras.

Kailangan lamang malista ng poll clerks ang pangalan ng mga botante at tatawagin ng tatlong beses para makaboto.

Pero kung hindi makasipot, hindi na sila papayagan pang bumoto.

Facebook Comments