2019 NBA Playoffs, all set na

All set na ang 2019 NBA Playoffs matapos makumpleto na ang 16 koponang maghaharap-harap sa unang round ng postseason tournament.

Huling humabol ang Detroit Pistons para sa ikawalo at huling playoff spot sa Eastern Conference makaraang matalo nila ang New York Knicks.

Dahil dito, makakaharap ng Pistons sa unang round ang top-seeded na Milwaukee Bucks.


Makakatapat naman ng second-seeded Toronto Raptors ang Orlando Magic na nasa ikapitong puwesto.

Magtutuos naman ang fourth-seeded na Boston Celtics at ang fifth-seeded Indiana Pacers habang makakaharap ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets.

Sa Western Conference naman, susubukan ng eight-seeded Los Angeles Clippers na talunin ang back-to-back defending champion na Golden State Warriors.

Magkokontrahan naman ang Indiana Pacers (5th) at ang Houston Rockets (4th).

Ang Portland Trail Blazers (6th) ang makakaharap naman ng Oklahoma City Thunder (6th).

Susubukan namang itumba ng Denver Nuggets (2nd) ang San Antonio Spurs (7th).

Magsisimula ang round one ng Playoffs sa Abril 14.

Facebook Comments