2019 SRP para sa Noche Buena products, ipatutupad ngayong Christmas season – DTI

116

Ipapatupad pa rin ngayong holiday season ang Suggested Retail Prices (SRP) para sa Noche Buena products na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) noong nakaraang taon.

Sakop ng SRP list para sa Noche Buena products ay ham, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, pasta/spaghetti, elbow/salad macaroni, spaghetti/tomato sauce at creamer.


Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang lahat ng Noche Buena products ay babalik sa presyo nito noong 2019 mula December 15 hanggang 31.

Sumang-ayon aniya ang mga manufacturer na panatilihin ang presyo sa harap ng pandemya.

Ang SRP ay ipatutupad sa mga supermarkets at wet markets sa buong bansa.

Pinayuhan ng DTI ang mga consumer na tingnan ang expiry date at price tag ng mga produkto bago bilhin.




Facebook Comments