2021 budget, nakatakdang aprubahan ng Senado sa Huwebes

45

Ngayong Huwebes, November 26, target ng Senado na ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pambansang pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P4.5 trillion.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, marami sa kanyang nga kasamahang senador ang nagsumite ng ammendments para sa 2021 budget.


Sabi ni Angara, simula kahapon ay pinag-aaralan na ng kanyang komite ang nabanggit na mga mungkahing amiyenda sa latag ng 2021 budget.

Aminado si Angara na laging malaking hamon para sa kanya ang pagpapasya kung alin ang tatanggapin sa mga panukalang amendments ng kanyang mga kapwa senador.

Facebook Comments