2021 FIBA Asia Cup, ipinagpaliban

Ipagpapaliban muna ngayong taon ang nakatakdang 2021 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia na magaganap sa Agosto.

Ayon kay FIBA Executive Director in Asia Hagop Khaijiran, desisyon ito ng FIBA Asia Board kung saan ilan sa mga dahilan ay ang pagkonsidera sa pandemyang nararanasan dahil sa COVID-19.

Magpapatuloy naman ang FIBA Asia Cup 2021 sa Indonesia ngunit ililipat na ito sa taong 2022.


Sa ngayon, nakaalis na ng bansa ang Gilas Pilipinas kabilang ang 15-man lineup na pinangunahan ni Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Carl Tamayo, Ange Kouame, SJ Belangel, RJ Abarrientos, at Isaac Go.

Facebook Comments