2021 FIBA Asia Cup qualifiers, isasagawa sa Clark

Pormal nang inanunsyo ng FIBA na gagawin sa Clark ang huling windows ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Kinumpirma ito ng FIBA kung saan mabibigyan ng home court advantage ang Gilas Pilipinas sa gagawing bubble simula June 16 hanggang 20.

Nakatakdang i-host ng Pilipinas ang games para sa Group A na binubuo ng Gilas, Korea, Indonesia at Thailand; Sa Group B naman ay ang China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia at sa Group C na pangungunahan ng Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.


Nakatakdang kalabanin ng Gilas ang Korea at Indonesia ng dalawang beses.

Kailangan na lang ng Pilipinas ng isang panalo upang tuluyan nang makapasok sa 2021 FIBA Asia Cup na nakatakda sa Indonesia sa Agosto.

Facebook Comments