2022 national budget, lalagdaan ni Pangulong Duterte sa susunod na linggo

Sa susunod na linggo ay nakatakda na ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang pambansang budget para sa 2022 na nagkakahalaga ng mahigit ₱5 trilyon.

Sabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pipirmahan niya bukas ang kopya ng 2022 budget pagkatapos ay ita-transmit na nila ito sa tanggapan ng pangulo.

Base sa abiso sa tanggapan ni Sotto na sa December 28 naka-schedule ang paglagda ng pangulo sa 2022 General Appropriations Act.


Kaugnay nito ay binanggit naman ni Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara na noong una ay December 27 itinakda ang ceremonial signing ng 2022 budget pero inilipat ito sa December 28.

Facebook Comments