2026 General Appropriations Bill, inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Kamara habang ang OVP budget, tinapyasan

Screenshot from House of Representatives of the Philippines/YouTube

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 4058 o 2026 General Appropriations Bill na naglalaman ng panukalang ₱6.793 trillion na panukalang 2026 national budget.

Nakapaloob dito ang inaprubahan din ng Kamara na ibaba sa ₱733.2 million ang ₱889.24 million na panukalang budget para sa Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.

Katumbas ito ng 17.6% o ₱156 million na bawas sa OVP budget.

Ang mosyon ay isinulong ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima bilang disiplina kay Vice President Sara Duterte na ilang beses na hindi sumipot sa budget deliberations.

Ayon kay De Lima, ang ginawa ni VP Sara ay pag-insulto at pangbabastos sa Kamara bilang institusyon at sa proseso ng pambansang budget, pag-iwas sa pananagutan, pagiging arogante at bratinella.

Facebook Comments