Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 2027 National Expenditure Program (NEP) sa isinagawang Cabinet meeting sa Malacañang.
Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, inaprubahan ng pangulo ang panukalang budget matapos itong iharap ng Department of Budget and Management.
Ang NEP ang magiging batayan ng General Appropriations Bill na isusumite sa Kongreso.
Nakasalalay rito ang pondong ilalaan sa mga programa, proyekto at operasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa 2027.
Hindi naman idinetalye ni Gomez ang kabuuang halaga ng panukalang budget.
Nakatakdang isumite ni Pangulong Marcos sa Kongreso ang 2027 National Expenditure Program sa Agosto 14, dalawang linggo matapos ang kanyang State of the Nation Address sa Hulyo 27.
Facebook Comments










