21 kaso ng COVID-19 variants, naitala sa Caraga

26

Nakapagtala ang Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) – Caraga ng 21 kaso ng COVID-19 variants.

Base sa resulta ng genome sequencing na natanggap ng DOH-CHD – Caraga mula sa University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), 13 samples ang nagpositibo sa B.1.351 o South African variant; pito ay sa B.1.1.7 o United Kingdom (UK) variant; at isa ay P.3 variant na unang na-detect sa Pilipinas.


Naitala ang mga kumpirmadong South African variant case sa Bislig City, Lianga, Cortes at Tandag City sa Surigao del Sur.

Habang mayroong UK variant sa Barobo, Madrid at Lianga sa Surigao del Sur, Butuan City, at Esperanza sa Agusan del Sur.

Isang residente naman ng Tandag City sa Surigao del Sur ang tinamaan ng P.3 variant.

Sa 21 variant cases sa Caraga, 13 ang walang travel history habang walo ang close contact ng mga nakaraang kumpirmadong kaso.



Facebook Comments