21 patay sa terrorist attack sa Colombia

57

Colombia – 21 katao ang patay habang 68 ang sugatan matapos maganap ang car bombing sa isang police cadet training academy sa Bogota, Colombia.

Ayon kay Defense Minister Guillermo Botero, itinuturing nilang isang “terrorist attack” ang nangyari at ang responsable rito ay ang national liberation army o kilala bilang ELN rebels.


Naaresto naman ng mga otoridad ang isang suspek na sinasabing may kinalaman sa pambobomba kung saan kinilala nila ito si Ricardo Carvajal.

Dahil dito, idineklara na ng Colombian government ang “3 days of mourning” matapos ang naganap na pag-atake.

Facebook Comments

From Advertisers