21 pulis at 14 na sibilyan, sugatan sa demolition operation sa Cavite

417

Sugatan ang 21 pulis at 14 na sibilyan matapos na magkagulo sa isinagawang demolition operation sa Maragondon, Cavite.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos, isang disputed land sa Maragondon ang kini-claim ng private entity MTV Realty Corporation kung saan may nakatayong 400 residential structures at nakatira ang 2000 mga indibidwal.

Nang isagawa ang demolisyon, nagkaroon ng girian kaya nasugatan ang mga pulis at ilang sibilyan.


Habang naaresto naman ang anim na sibilya dahil nahuling nananakit.

Giit naman ng PNP Chief na ang demolition operation ay lehitimo batay na rin sa utos ng korte.

Sasampahan namam ng PNP ng kaso ang mga nagsimula nanggulo.



Facebook Comments