21 pulis, nadagdag sa bilang ng mga infected ng COVID-19

27

Panibagong 21 mga personnel ng Philippine National Police (PNP) ang nahawaan ng COVID-19.

Batay ito sa update na inilabas ng PNP Health Service kagabi kaya umaabot na sa kabuaang 7,541 ang COVID cases.


Pero sa bilang na ito ng mga positive cases, 430 lamang ang active case habang ang 21 ang mga bagong positibo,  lima mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa sa PNP Region 1, lima sa PNP Region 2, isa sa PNP Region 3, tatlo sa PNP Region 5, 3 sa PNP Region 6, isa sa PNP Region 13 at isa sa PNP Cordillera.

Good news naman dahil mayroong 31 mga PNP Personnel ang gumaling sa COVID-19 kahapon kaya umabot na sa 7,087 recoveries sa hanay ng PNP.

Nananatili naman sa 24 ang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments