22-anyos na Babae, Patay matapos umanong Lasunin ang Sarili

51

Cauayan City, Isabela- Nagpakamatay umano ang isang 22-anyos na babae matapos makatanggap ng tawag sa kanyang cellphone na nagpakilalang kasintahan di umano niya ito.

Kinilala ang biktima na si May Gintingan, may live-in partner at residente ng Purok 2, Sto. Domingo, Cabarroguis, Quirino.


Sa ulat ng PRO2, inihayag umano ni Rogelio Dumapay, live-in partner ng biktima na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan matapos kumpirmahin ng isang lalaking tumawag sa cellphone ng biktima na may relasyon sila ng kasalukuyang partner nito.

Dahil sa nalaman ni Dumapay, nagsimula na umanong iwasan nito at hindi na pansinin pa dahil sa galit nito sa kanyang live-in-partner.

Dakong alas-onse ng umaga kahapon habang nagpapahinga ang dalawa sa labas ng kanilang bahay ay bigla nalang bumula ang bibig ng biktima kung saan tumambad kay Dumapay ang ilang bote ng insecticide sa tabi ng biktima.

Nagawa pang isugod sa Quirino Provincial Medical Center ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician.



Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung may ‘foul play’ na nangyari sa insidente gayundin na kanilang hihilingin sa pamilya na isailalim sa autopsy ang katawan ng biktima.


Facebook Comments