Inaresto ang isang 22-anyos na lalaki mula sa Labrador, Pangasinan matapos ireklamo ng trespassing sa bakuran ng isang pamilya sa Lingayen bandang 3:38 ng madaling araw noong Oktubre 7, 2025.
Ayon sa salaysay ng 20 anyos na biktima, nagising siya matapos makarinig ng ingay sa kanyang bintana. Pagtingin niya ay nakita niyang bukas na ito at may lalaking nagtangkang pumasok. Agad niyang isinara ang bintana at tumakas ang suspek.
Sa tulong ng CCTV at follow-up na imbestigasyon ng barangay opisyal, natukoy at nahuli ang suspek dakong 8:35 ng gabi sa parehong araw.
Dinala sa Lingayen Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Article 281 (Other Forms of Trespass) at Article 287 (Unjust Vexation) ng Revised Penal Code. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









