224 na dagdag na COVID-19 cases, naitala sa Quezon City

27

Nadagdagan ng 224 ang mga kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.


Batay sa impormasyon na inilabas ng QC Health office, umakyat na sa 8,240 ang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.

Mula sa naturang bilang, 2,045 ang aktibong kaso ng COVID-19.

8,165 ang may kumpirmadong kumpletong address sa Quezon City habang 7,915 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Nadagdagan ng 166 ang nakarekober.

Sa kabuuan, mayroon ng 5,756 na ang gumaling.

May sampu namang naidagdag sa bilang ng binawian ng buhay.




Sa ngayon, nasa 338 na ang nasawi.

Facebook Comments