2,250 Pinoy repatriates, sunod-sunod na dumating sa NAIA ngayong araw

72

Walong karagdagang batch ng 2,250 Filipino repatriates ang sunod-sunod na dumating sa bansa sakay ng iba’t-ibang flights.

Unang dumating kaninang umaga ang 300 repatriates mula United Arab Emirates (UAE) via Philippine Airlines.


Sumunod naman ang 300 repatriates mula Riyadh via Philippine Airlines flight PR655.

300 repatriates mula Qatar via Philippine Airlines flight PR685 ang dumating din kaninang umaga.

300 OFWS din mula Dammam via Philippine Airlines flight PR683 ang dumating kaninang tanghali.

250 repatriates din mula Dubai via Cebu Pacific flight 5J15 ang dadating bago mag alas singko ngayong hapon.




250 repatriates mula Amsterdam via KLM Royal Dutch Airlines flight KL875 ang dadating ng alas-6:00 ng gabi.

Habang with 250 Pinoy repatriates mula Turkey via Turkish Airlines flight TK84 ang dadating mamayang 7pm

At ang ikawalong batch na 300 repatriates mula Jeddah via Saudia Airlines flight SV870 ay dadating mamayang alas-9:00 ng gabi.

Facebook Comments