Umabot sa higit dalawang daang katao na kabilang sa wanted persons ang naaresto ng pulisya sa buong Rehiyon Uno nitong nagdaang buwan ng Agosto.
Sa tala ng Police Regional Office 1, sakote ang dalawampu’t-pitong most wanted persons, habang kulungan din ang bagsak ng dalawang daan at isa pang tukoy na wanted persons.
Sa kabuuan, umabot sa 228 wanted persons ang matagumpay na nahuli ng awtoridad na may hinaharap na mga kaso.
Tiniyak ng kapulisan sa Region I na patuloy na tutugusin ang mga akusado o mga indibidwal na may nilabag sa batas, tungo sa pagpapanatili umano ng kaligtasan ng pamayanan sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






