23 bagong judges itinalaga sa iba’t-ibang Municipal Trial Courts sa Central Luzon

Natanggap na ng Judicial and Bar Council (JBC) at ng Korte Suprema ang listahan ng mga bagong itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga Municipal Trial Court (MTC) judges sa Central Luzon.

Sa inilabas ni JBC member at Justice Secretary Menardo Guevarra, tatlong bagong MTC judges ang naitalaga sa Bataan, lima sa Bulacan, 7 sa Nueva Ecija, 7 sa Pampanga at isa sa Zambales.

Higit kalahati sa mga bagong talagang MTC judges sa Central Luzon ay mga babae.


Magugunitang noong nakaraang taon nagsumite ang JBC ng shortlist sa Pangulong Duterte para sa paghirang ng mga bagong hukom.

Facebook Comments