23 Katao, Gumaling sa COVID-19; 10 Nagpositibo

66

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa rehiyon dos.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2, dalawampu’t tatlo (23) ang naitalang nakarekober kung saan anim (6) ang gumaling sa Cagayan, labing tatlo (13) sa Isabela at apat (4) sa Nueva Vizcaya.


Kasabay nito, nakapagtala naman ng sampung (10) bagong bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ang rehiyon, dalawa (2) sa Cagayan at walo (8) sa Isabela.

Ang lalawigan ng Cagayan ay mayroon 81 active cases, 182 sa Isabela, 26 sa Santiago City, 16 sa Nueva Vizcaya, 2 sa Quirino habang COVID-19 free na sa Batanes.

Umaabot naman sa 2, 881 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos, 2, 528 ang nakarekober at 43 ang naitalang nasawi.

Facebook Comments