23 katao kabilang ang 7 pulis, arestado sa aktong pagpapaputok ng baril!

792

Huli at ngayon nahaharap sa kaso ang 23 indibidwal kabilang ang pitong pulis matapos maaktuhang walang habas na nagpaputok ng kanilang baril sa nakalipas na pagdiriwang ng Pasko at ngayong Bagong Taon.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana Jr., nahuli ang mga ito matapos rumesponde ang mga pulis sa 26 na magkakaibang sumbong na may kinalaman sa walang habas na pagpapaputok ng baril mula December 16, 2018 hanggang ngayong araw.

Sinabi naman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na mahaharap sa kasong administratibo ang pitong pulis na naaresto.

Bukod sa pitong pulis, naaresto rin ng PNP ang isang sundalo, 10 sibilyan at isang law enforcement agent matapos na magpaputok ng kanilang baril.

Facebook Comments