23 katao, nasawi matapos maglungsad ng airstrike ang Amerika sa Eastern Syria

25

Syria – Nasawi ang 23 katao matapos maglunsad ng air strike ang Amerika sa Eastern Syria.

Umabot umano sa 12 missiles ang pinakawalan sa base ng militanteng grupo ng ISIS.

Sa ulat, 13 sibilyan at tatlong Iraqi is militants ang napatay sa isang bayan na malapit sa border ng Syria at Iraq.

Maliban dito ay pitong katao kabilang na ang dalawang babae at isang menor de edad ang namatay.

Nabatid na kinokontrol ng ISIS ang halos kabuuan ng Deir Al-Zour City malapit sa military air base kung saan nasa 200,000 katao ang ginugutom ng militanteng grupo.
Nation

Facebook Comments