
Nasa 23 na kabataang scholars ang sumasailalim ngayon sa modernong mga paraan at teknolohiya ng pagsasaka.
Ang mga ito ay bahagi ng pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) na mailapit sa mga kabataan sa pagsasaka at masigurong may sapat na pagkain ang bansa.
Ang naturang mga youth scholars ay isasabak sa 2025 batch ng Young Filipino Farm Leaders Training Program sa Japan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., may pangangailangang maturuan ang mga batang henerasyon sa pagsasaka dahil ang karamihan sa mga magsasaka ay malapit ng umabot sa 60.
Mahalaga aniyang maturuan ang mga batang henerasyon ng makabagong kaalaman at teknolohiya upang mapahusay ang farm production at makatulong na masiguro ang sapat na supply ng pagkain sa bansa sa mga darating na panahon.
Sa Japan, imumulat ang mga participant ng mga makabagong paraan ng pagsasaka, at mapalakas ang kanilang kahandaan na makapag-ambag sa mga pagbabago sa lokal na agrikultura.