24/7 Online Service ng Pag-ibig Fund, inilunsad na

Binuksan na ng pag-ibig fund ang kanilang 24/7 Online Service.

Ito ay binansagang “Virtual Pag-ibig.”

Ayon kay Pag-ibig Fund CEO Acmad Moti, sa pamamagitan nito, mamo-monitor na ng mga miyembro ang kanilang buwanang hulog.


Sa website ng Pag-ibig, ilalagay lang ang Email at contact information at magtungo sa sangay ng Pag-ibig para ma-activate ang account.

Ang mga mayroong Loyalty Plus Card ay awtomatikong makaka-access sa Online Pag-ibig.

Target din nito ang mga ofw upang siguruhin na naihuhulog ang kanilang kontribusyon o investment.

Pwede na ring mag-hulog sa pamamagitan ng Paymaya, Mastercard, JCB, at Visa.

Maaaring mag-apply ng loan sa pamamagitan ng Virtual Pag-ibig Accounts.

Hindi naman magbabawas ng opisina ang Pag-ibig Fund para maserbisyuhan ang mga lugar na walang access sa internet.

Facebook Comments