Selyado na ang 20-year power supply deal para sa Mabini Solar Project na mula sa Chinese-based solar technology.
Pinirmahan ang kontrata sa pagitan ng Trinasolar ISBU at Advent Energy ang kauna-unahang greenfield development sa Pilipinas na ipapatayo sa Barangay San Pedro, Mabini, Pangasinan.
Nasa 110.84 GWh na renewable electricity kada taon ang mapupundar ng pasilidad, katumbas ng pagbibigay enerhiya sa 24,000 households.
Noong Setyembre, pormal itong pinirmahan at inaasahang sisimulan ang operasyon nito sa taong 2026.
Dagdag pa dito, layunin ng proyekto na wakasan ang carbon dioxide emissions sa higit-kumulang 76,549 tons kada taon sa bansa.
Facebook Comments









