25 anyos na lalaki, sugatan nang pasukin at barilin sa kanilang tahanan

General Santos City – Sugatan ang isang 25 anyos na lalaki matapos itong binaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa habang natutulog sa loob mismo ng kanilang bahay sa may Sitio Sampao, Barangay Olympog, Gensan.

Kinilala ang biktima na si Roy Calinogan, 25, residente ng nasabing Barangay.

1:00 ng madaling araw ng pinasok ng hindi nakikilalang suspek ang bahay ng biktima at ng asawa nito at ito ay binaril.


Agad namang tumakas ang suspek patapos ng ginawang krimen habang ang biktima naman ay agad na dinala ng kanyang mga kaanak sa Dr. Jorge Royeca Hospital matapos nagtamo ng sugat sa kanyang likod.

Ang anggulong tinututukan ngayon ng pulisya sa pamamaril ay love triangle dahil mayroong dating pamilya ang naging asawa nito.

Napag-alaman na bago lang ikinasal ang biktima sa kanyang asawa.
DZXL558

Facebook Comments