Isang natatanging mass wedding ang isinagawa sa tulay ng Quintos Bridge sa Dagupan City, gabi ng Pebrero 14, Araw ng mga Puso.
Labing Limang (25) magkasintahan ang nagsumpaan ng kanilang pagmamahalan at nagkaisa sa seremonya bilang pagtanaw sa kanilang bagong yugto ng buhay.
Ang seremonya ay ginanap sa gitna ng tulay, na nagbigay ng kakaibang setting at simbolismo sa kanilang pagmamahalan.
Upang maging matagumpay ang seremonya, inabisuhan ang mga motorista na dumaan sa ibang ruta pansamantala upang maiwasan ang anumang abala dulot ng kasal.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga magkasintahan sa hindi makakalimutang karanasan at pagkakataong gawing legal ang kanilang pagsasama at pag-iibigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments